Saturday, October 27, 2012

URI NG MULTO


  • PANGKARANIWANG MULTO
                   Ito ay uri ng multo na nagpapakita at nagpaparamdam ngunit hindi nananakit.
  • POLTERGEIST (Noisy Ghost)
                   Multo na nakakayang magpagalaw ng isang bagay na maaaring magdulot ng 
                   kapahamakan  sa taong gusto nitong saktan.
  • FUTURE GHOST

                    Ito ay ang multo ng isang tao na nagpapakita kung may masamang mangyayari  o 
                    malapit ng mamatay ito.

                    Ang ibig sabihin nito may kakayahan ang kaluluwa ng isang tao na buhay pa, na
                    magpakita o mag-multo  kahit ito ay buhay pa.

                    Maaaring kapag nakakita tayo ng isang kaluluwa o multo na kamukha ng isang tao 
                    na buhay pa ay indikasyon ito na may mangyayaring masama sa kanya o nalalapit 
                    na ang kanyang kamatayan.

                    Maaari na nagpakita sa'yo ang "future ghost" niya.

Halimbawa: 

Isang gabi na papauwi ka ng iyong bahay ay nakita mo ang iyong kapitbahay na nakasuot ng puting damit o kung ano man ang suot niya.

Tinawag mo siya ngunit animo'y hindi ka pansin, hindi ka rin nilingon, ang ginawa mo sinundan mo siya hanggang sa tapat ng bahay nila na kalapit lang ng bahay nyo, nang bigla na lamang itong naglaho na parang bula, syempre nangilabot ka, pumasok ka nalang sa bahay nyo’..

Ilang araw ang nakakalipas nabalitaan mo na lamang na patay na pala ito, ayon sa iyong nabalitaan nasangkot ito sa isang vehicular accident..

Ang nakita mong kahawig o kamukha ng iyong kapitbahay bago may masamang nangyari dito ay ang kanyang “future ghost”.

No comments: