Monday, April 8, 2013

Mahiwaga at Misteryoso

Puno talaga ng misteryo ang buhay natin, araw-araw busy naman, daming ginagawa, iba't iba ang pinagkaka-abalahan,  kung anu-ano ang pinag-lilibangan.

Minsan kahit ano pa man o gaano tayo kaabala may mga bagay na nakakapagpatigil sa'tin, minsan di natin malaman kung totoo ba ang nakikita, nakita, narinig, naririnig, naramdaman o nararamdaman natin...

Nakakabaliw na para bang nakapanglalaki ng ulo..

Sabi ng iba "Guni-guni, Kisapmata o kaya malikot na imahinasyon"... Ano nga ba talaga ang katotohanan???

Siguro totoo nga na hindi lang ang mga halaman, hayop at tao ang nasa mundo...

Kundi may iba ring nilalang, elemento at iba pa..

Mahiwaga at misteryoso talaga, ikaw may karanasan ka ba na may kinalaman sa kanila???

Saturday, October 27, 2012

IBA PANG MGA NILALANG

  • BUSAW Engkanto o lamang lupa
  • COELECANTH Ninuno ng mga isda
  • GABUNAN (Aswang sa umaga)Isa itong uri ng aswang na maaaring makapaminsala, manakit o pumaslang ng tao kahit sikat man ang araw o umaga man. 
  • LULID Ito ay mga diwata na parang uod na malaki. Kapag ginambala ang mga ito at nagalit, kailangang mag-sakripisyo  ang isang tao, para sa kanyang minamahal na nagkasala sa lulid. Iaalay niya ang parte ng kanyang katawan tulad ng braso, ito ay kakainin o lalamunin ng lulid mula kamay hanggang braso, ito ang magiging kabayaran sa naging kasalanan.
  • METEOR (Bulalakaw) - Isang buhay na bato, pinaniniwalaan na nagdadala ito ng salot, digmaan atbp.
          EXOBIOLOGIST - Nag-aaral ng buhay sa kalawakan
  • UKUY (Siyokoy) - Nilalang na naninirahan sa ilalim ng tubig,kung saan kahawig umano ito ng isang lalaki (tao), may tenga na mahahaba na tulad ng sa duwende at ang dulo ay medyo matulis, may kaliskis ang buong katawan liban lang sa mukha, kulay abo, walang buhok sa ulo ngunit may palikpik at kaliskis.
         Ang mga nilalang na ito ay maaaring  maging tao kung gugustuhin nila sa pamamagitan 
         ng isang malaking itim na perlas.

         Ang perlas umano na ito ay kasinglaki ng bola ng basketball, hahawakan lamang daw ito 
         ng ukuy o siyokoy at ang kamay niya ay ihahaplos o idadampi sa kanyang buong katawan 
        
         Tanging ang hari lamang umano nila ang may karapatan na makapagbibigay ng perlas.
         Ang hahawak ng itim na perlas ay ang kanyang ama at saka lamang niya sisimulan ang
         ritwal.
      
         Aahon siya sa tubig at doon pagsapit ng kabilugan ng buwan ay magbabagong anyo sya.
         at magiging ganap na siyang tao.

         Ang mga nilalang sa ilalim ng tubig, ang mga sirena, taong-isda o siyokoy ay ipinanganak 
         na meron ng kapareha, kabiyak o magiging asawa pagdating ng panahon, ngunit kung 
         mamamatay ito ay maaaring umibig ang isang sirena o siyokoy sa iba.

         Kapag umibig ang isang siyokoy sa isang babaeng taga-lupa at inibig din siya nito ng 
         tunay, kailangang sumama ang taga-lupa sa kaharian ng taong-isda sa ilalim ng tubig.

         Dapat manilbihan ang babaeng taga-lupa upang ipakita sa hari at sa mga magulang ng
         taong-isda na karapat-dapat siyang samahan o maging kabiyak ng kanilang anak at
         karapa't dapat na pagkatiwalaan.
  • ZULA - Isa siyang makapangyarihang mangkukulam noon, dahil sa isa rin siyang satanista, inusig at pinatay siya ng mga tao, ngayong patay na siya, pinamumunuan  naman niya ang masasamang kaluluwa sa "itim na lugar" o itim na landas. kung saan isa ito sa dalawang landas, ang pakaliwang landas.
          Isa itong madilim na guhong gusali, ang mga puno't halaman ay tuyo at patay.

          Ang mga alagad ni Zula ay nangunguha  ng mga mabubuting kaluluwa upang gawing 
          masama 

ILANG URI NG HALIMAW/NILALANG

  • FRANKEINSTEIN - Puro tahi ang katawan, pinagtagpi-tagping katawan ng tao ang itsura.
  • ZOMBIE -  Isang bangkay na nabuhay, o di kaya naman ay sinapian na bangkay upang gumalaw, maaaring sinaniban ng demonyo, espiritu, organisismo o pinagalaw ng gumagamit ng masamang kaalaman.              

           Zombie Powder:
          Ito ay pulbos na ginagamit ng mga "aprit" upang makabiktima ng mga normal na tao.
          Dahil sa "zombie powder" maaari nilang gawin ang ibang tao na katulad nila.

          Ayon sa kwento hinihipan umano ng mga aprit ang pulbos na ito sa tapat ng mukha ng 
          taong bibiktimahin.      

  • APRIT - Ang mga aprit ay mga taong mukhang patay na pero buhay pa, hindi lang ito kumikilos ngunit nakakarinig, nakadadama at nakakakita pero mukhang zombie na..

URI NG MULTO


  • PANGKARANIWANG MULTO
                   Ito ay uri ng multo na nagpapakita at nagpaparamdam ngunit hindi nananakit.
  • POLTERGEIST (Noisy Ghost)
                   Multo na nakakayang magpagalaw ng isang bagay na maaaring magdulot ng 
                   kapahamakan  sa taong gusto nitong saktan.
  • FUTURE GHOST

                    Ito ay ang multo ng isang tao na nagpapakita kung may masamang mangyayari  o 
                    malapit ng mamatay ito.

                    Ang ibig sabihin nito may kakayahan ang kaluluwa ng isang tao na buhay pa, na
                    magpakita o mag-multo  kahit ito ay buhay pa.

                    Maaaring kapag nakakita tayo ng isang kaluluwa o multo na kamukha ng isang tao 
                    na buhay pa ay indikasyon ito na may mangyayaring masama sa kanya o nalalapit 
                    na ang kanyang kamatayan.

                    Maaari na nagpakita sa'yo ang "future ghost" niya.

Halimbawa: 

Isang gabi na papauwi ka ng iyong bahay ay nakita mo ang iyong kapitbahay na nakasuot ng puting damit o kung ano man ang suot niya.

Tinawag mo siya ngunit animo'y hindi ka pansin, hindi ka rin nilingon, ang ginawa mo sinundan mo siya hanggang sa tapat ng bahay nila na kalapit lang ng bahay nyo, nang bigla na lamang itong naglaho na parang bula, syempre nangilabot ka, pumasok ka nalang sa bahay nyo’..

Ilang araw ang nakakalipas nabalitaan mo na lamang na patay na pala ito, ayon sa iyong nabalitaan nasangkot ito sa isang vehicular accident..

Ang nakita mong kahawig o kamukha ng iyong kapitbahay bago may masamang nangyari dito ay ang kanyang “future ghost”.

Saturday, September 6, 2008